Umakyat na umano sa 50 million pesos ang reward para kina President-elect Rodrigo Duterte at incoming Philippine National Police (PNP) Chief General Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Ipinabatid ito mismo ni dela Rosa dahil hindi aniya bumenta ang 10 million pesos na una umanong bounty para sa kanila ni Duterte.
Binigyang diin ni dela Rosa na sa kampanya kontra illegal drugs, hindi niya ikinukunsidera ang kahit pa 5 milyong pisong reward para makahuli ng drug lord.
Dahil kahit wala aniyang reward ay papatayin niya ang mga ito.
Kasabay nito, tiniyak ni dela Rosa ang kahandaan ng buong puwersa ng PNP sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga.
By Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)