ITINAAS na sa 12 milyong piso ang reward para sa sinumang makapagtuturo sa mga pumatay sa konsehal ng barangay sa Cagayan de Oro City.
Si Sherwin Uy, anak ni first district Rep. Rolando Uy, at ang kanilang caretaker na si Samuel Pabalan ay pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin habang nasa quarry sa pagitan ng Barangays Pagatpat at San Simon.
Nabatid na si Uy na konsehal ng Barangay San Simon ay kandidato sa pagka-alkalde ng lungsod sa susunod na taon.
Ayon sa ulat, tumugon ang maraming kaibigan at political supporters ng pamilya Uy sa “peso-peso” campaign para sa agarang ikadarakip ng pumaslang sa biktima.