Pinagbabaril ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang patrol base ng Philippine Army sa Barangay Labi, Bongabon, Nueva Ecija.
Ayon kay Northern Luzon Command Spokesman Major. Erickson Bulosan nangyari ang pagsalakay habang nagsasagawa ng humanitarian assistance at disaster relief operation ang mga sundalo sa mga naapektuhan ng Bagyong Ompong.
Agad namang nakaganti ng putok ang mga tauhan ng 70th infantry battalion na dahilan ng pag-atras ng mga rebelde.
Wala namang nasaktan o nasugatan sa panig ng militar.
Samantala, nagkasa na ng manhunt operation ang militar at pulisya para tugisin ang mga rebelde na umatake sa base ng Philippine Army.