Patay sa pamamaril ang isang patroller ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Calamba City.
Ayon sa ulat, papasok sana sa trabaho ang biktimang si El Marcelo Danoso nang bigla siyang barilin sa noong hindi pa nakikilalang mga suspek kaninang umaga.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.