Nilinaw ni incoming Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay na walang kinalaman sa inihaing reklamo ng Pilipinas sa UNCLOS laban sa China ang ginagawang pagpapatrolya ngayon ng mga barkong pandigma ng Amerika sa West Philippine Sea.
Sa panayam ng DWIZ kay Yasay, sinabi nitong sariling desisyon ng Amerika ang magpatrolya sa nasabing karagatan.
Hindi anya ito saklaw ng mutual defense agreement ng Pilipinas at Estados Unidos.
Bahagi ng pahayag ni incoming DFA Secretary Perfecto Yasay
Nanindigan din si Yasay na hindi papasok sa giyera ang susunod na adminsitrasyon para sa Scarborough Shoal.
Naniniwala din ito na hindi rin gusto ng China na makipag-giyera dahil maaapektuhan ang kalakan nila sa Pilipinas, Amerika at Japan.
Nilinaw naman ni Yasay na sakaling pumabor sa Pilipinas ang desisyon ng International Court hindi ibig sabihin nito na bawal nang dumaan sa West Philippine Sea ang mga barko ng ibang bansa.
Bahagi ng pahayag ni incoming DFA Secretary Perfecto Yasay
By Jonathan Andal | Sapol