Welcome sa Department of National Defense (DND) ang inisyatibo ng Amerika na magpatrolya sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Kasunod na rin ito ng pagde-deploy ng US 7th Fleet ng mga eroplano, submarine at barko para pagtibayin ang freedom of navigation sa nasabing karagatan.
Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, malaki ang maitutulong ng pagpapatrolya ng US Navy upang mapigilan ang agresibong hakbang ng ibang bansa tulad ng China sa pinag-aagawang isla sa rehiyon.
Bukod dito, sinabi ni Gazmin na mapipigilan din nito na malabag ang karapatan ng mga bansang claimants sa West Philippine Sea.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal