Binanatan ni Senadora Leila de Lima ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang nakatakdang barangay at SK elections sa Oktubre sa halip ay magtalaga na lamang ng mga mamumuno sa mga barangay.
Sa ipinalabas na liham ni De Lima mula sa kaniyang piitan sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame, sinabi ni De Lima na posibleng mauwi sa patronage politics ang balak na ito ng Pangulo.
Isa sa mga layunin ng hiwalay na halalan para sa mga opisyal ng barangay sa lokal at pambansang halalan ay upang maiwasan ang pamumulitika ng mga ito.
Dapat lamang ang mga komunidad ang siyang dapat mamili ng mamumuno sa kanila dahil ito aniya ang pinakamalapit na sangay ng gobyerno na direktang nagbibigay ng tulong sa mga mamamayan.
By Jaymark Dagala