Patuloy ang transmission ng COVID-19 kahit pa malaki ang ibinaba ng mga bagong kaso nito sa ilang pagkakataon.
Ito ayon kay Dr. Ted Herbosa, special adviser, National Task Force against COVID-19 ang kahulugan ng sinasabi ng OCTA Research Group hinggil sa flat trend ng virus sa National Capital Region, Davao City at Bacolod.
Sinabi sa DWIZ ni Herbosa na patunay din itong mayruon pang hindi natutukoy na kaso ng virus lalo nat naka steady na sa 4,000 hanggang 6,000 bagong kaso ng COVID-19.
Dahil dito inihayag ni Herbosa na dapat trabahuhin ng local government units na mapigilan ang transmission.