Ikinabahala ng Ecowaste Coalition ang patuloy na bentahan maging sa online ng ipinagbabawal na facial cream mula sa china na S’zitang Facial Cream.
Batay sa ulat, nangangako ang produkto na nakapagpapaputi at nagpapabata ng balat ngunit sa pag-aaral delikado ito dahil mayroon itong mercury content na masama sa kalusugan.
Ayon kay Ecowaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero nang subukan nilang bumili sa Sta. Cruz, Maynila at nakabili pa sila ng dalawang variant ng produkto.
Matatandaang noong Mayo 2018, tinukoy ng Food and Drug Administration (FDA) ang S’zitang Facial Cream bilang unauthorized cosmetic ang nasabing facial cream dahil hinaluan ito ng mercury na mapanganib lalo na sa mga buntis.