Umapela ng patuloy na dasal ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa drug convict na si Mary Jane Veloso.
Ayon kay CBCP Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People Chairman and Balanga Bishop Ruperto Santos, dapat na patuloy na ipagdasal ang pagpayag ng Indonesian Attorney General Office na ikunsidera ang bagong kaganapan sa kaso ng iligal recruiter ni Veloso para mabigyan ito ng clemency.
Matatandaang pinakakasuhan na ng estafa at human trafficking ng Department of Justice ang sinasabing mga recruiter ni Veloso na sina Cristina Sergio at Julius Lacanilao.
By Rianne Briones