Hindi patitinag ang Simbahang Katoliko kahit pa anong batikos ang gawin sa kanila ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ginagawa nilang pagsita sa extrajudicial killings sa bansa.
Ayon kay Retired Archbishop Oscar Cruz, tungkulin ng simbahan na mangaral, may sumunod man o wala.
Gayunman, hindi naitago ni Cruz ang pagkadismaya sa masyado na anyang mababang paraan ng pagbira ng pangulo sa mga pari.
Tinukoy ni Cruz ang payo ng Pangulo sa mga pari na sumukang gumamit ng shabu upang maunawaan nila kung bakit matindi ang ginagawa niyang kampanya kontra sa droga.
Bahagi ng pahayag ni Retired Archbishop Oscar Cruz
By Len Aguirre | Credit to: Ratsada Balita (Interview)