Muling nanawagan si Vice President Leni Robredo sa publiko na manindigan laban sa extrajudicial killings at iba pang paglabag sa karapatang pantao bilang paggunita sa Human Rights Day, kahapon.
Ayon kay Robredo, matagal nang bahagi ang Pilipinas ng mga hakbang upang itaguyod ang kaparatang pantao hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibang bansa at rehiyon.
Ang komemorasyon aniya ng Human Rights Day ngayong taon ay hindi lamang dapat gunitain bilang kontribusyon ng mga Pilipino sa ipinaglalaban.
Ipinunto ni Robredo na dapat ding magsilbi ang araw ng karapatang pantao bilang paalala sa diwa nito partikular sa mga nakagigimbal na balita hinggil sa laganap umanong human rights violations.
—-