Nakapagtala ng mahigit 100 non-volcanic earthquakes sa Bulkang Taal.
Batay sa Taal Volcano bulletin ng PHIVOLCS, pawang mahihina lamang ang mga naitalang pagyanig at hindi naman naramdaman.
Subalit sinabi ng PHIVOLCS na ang ang patuloy na naitatalang lindol ay senyales ng paggalaw ng magma sa loob ng Bulkang Taal.
Samantala, sa magdamag, nagkaroon ng weak emission ng steam laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa 50-meters hanggang 100-meters.
Masyado namang mababa ang naitalang sulfur dioxide emission sa Bulkang Taal kaya hindi na ito na detect ng instrumento ng PHIVOLCS.
Nananatili namang nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.