Patuloy na pag-aabot ng tulong ng mga ahensya ng gobyerno sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng tiniyak
Siniguro ni Defense Officer-In-Charge and Senior Undersecretary at NDRRMC Chairperson Jose Faustino Jr. Na hindi titigil ang gobyerno sa paghahatid ng tulong at pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng Bagyong Paeng.
Ayon sa opisyal natasan na rin nito ang lahat ng mga Regional Agencies ng office of the civil defense na ipagpatuloy ang relief operations sa lahat ng lugar na hinagupit ng bagyo
Dagdag pa ni Faustino nakatakda na rin itong bumisita sa visayas at inatasan ang armed forces of the philippines na ihanda ang kanilang land, sea at air asset para sa anumang aktibidad na kailangang gawin pagkatapos ng bagyo.
Aniya hindi natatapos ang pagaabot ng tulong ngpamahalaan sa Luzon at Mindanao
Kaugnay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang opisyal sa nang mga nasalanta at nawala ng mahal sa buhay dahil sa bagyo.