Isinusulong ng Clean Air Philippines Movement Inc. na mapataaas sa isang milyon ang gumagamit ng bisikleta partikular ang e-bike.
Ayon kay Dr. Leo Olarte, pangulo ng grupo, layon nila na mapanatili ang maganda nang lagay ng hangin sa bansa mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.
Maaari aniyang lumapit sa kanila ang mga kumpanya na interesadong mabigyan ng e-bike ang kanilang mga empleyado upang mairekomenda sa mga lokal na gumagawa ng e-bikes.
Bukod aniya sa walang polusyon kapag e-bike ang gamit maganda pa ito sa kalusugan dahil pwede itong i-padyak o gamitan ng elektrisidad kapag gusto nang magpahinga.
Natutulungan natin ang ating kalikasan at maibaba natin ang air pollution kasi maraming nagkakasakit din, itong COVID-19 virus kapag mahina ang baga mo dahil maraming polusyon pumasok sa baga mo madali kang magkasakit (ng) COVID-19,” Olarte. — Panayam mula sa Balitang Todong Lakas.