Naitala ang patuloy na pagbaba ng kaso ng ebola sa West Africa.
Ayon sa World Health Organization (WHO) apat na lamang ang naitalang kumpirmadong may ebola sa Guinea habang 3 sa Sierra Leone.
Gayunman, ibinabala ng WHO na isa sa mga pasyente sa Sierra Leone na nasawi matapos bumiyahe patungong Tonkolili ay may substantial risk ng transmission.
Batay sa report, tinatayang nasa 500 ang nakahalubilo ng naturang pasyente na kasalukuyan nang tini-trace ng mga otoridad.
Sa tala ng WHO, nasa 28 katao ang tinamaan ng ebola sa naturang mga bansa.
By Ralph Obina