Posibleng mahirapang makamit ang sapat na water level sa mga dam sa gitna ng mababang tsansa ng mga pag-ulan at mataas na heat index na sumasampa na sa pinaka-mainit na temperatura ngayong taon.
Ito’y makaraang maitala sa Dagupan City, Pangasinan ang mataas na heat index na umabot sa 51 degrees celsius noong March 6.
Ayon sa PAGASA, ang malaking bulto ng water supply sa mga dam ay nagmumula sa pag-ulan pero kaunti lamang ito upang maabot ang itinatakdang mga lebel.
Halos 50% ng supply ay dulot ng pag-ulan mula sa mga bagyo, pero kung walang masyadong ulan ay malabong makamit ang mga itinatakdang water level sa mga dam.
Batay sa datos ng pagasa, bumaba ang water level sa ilang water reservoir malapit sa metro manila, tulad ng angat dam, bulacan na ngayon ay nasa 194.05 meters hanggang kahapon.
Bumaba rin sa 192 meters ang lebel ng tubig sa pantabangan dam, nueva ecija habang nasa 169.08 meters sa magat dam pero nagkaroon naman ng minimal increase sa la mesa dam na 78.33 meters at ipo dam, 98.83 meters matapos madagdagan ng point 11 meters.