Posibleng umabot pa sa 54 pesos ang palitan ng piso kontra dolyar sa mga susunod na araw.
Ito ang pangamba ni BDO Capital and Investment Corporation President Ed Francisco oras na magtuloy-tuloy pa ang tensyon sa pandaigdigang kalakalan partikular sa pagitan ng Estados Unidos at China.
Kahapon, bumulusok sa P53.51 ang palitan ng piso kontra dolyar.
Mas mababa ito ng apat na sentimo sa P53.47 na palitan noong Miyerkoles.
Ito na ang pinakamababang naitalang halaga ng piso kontra dolyar sa nakalipas na labing dalawang (12) taon matapos naman maitala ang P53.55 centavos na palitang kontra dolyar noong June 29, 2006.
—-