Kinakailangang magtuloy-tuloy na ang muling pagbubukas ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos aniyang lumabas sa isang survey noong Nobyembre ng nakaraang taon na bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.
Ayon kay Roque, nakalulungkot na hindi pa rin nanunumbalik ang dating datos sa unemployment rate ng Pilipinas bago pa tumama ang krisis na dulot ng COVID-19 na nasa 17.5%
Gayunman, maituturing na pampalubag loob ang bahagyang pagbaba sa bilang ng walang trabaho sa Pilipinas mula ng unti-unting buksan ang ekonomiya sa bansa.
Una rito lumabas sa survey ng Social Weather Stations noong Nobyembre, 2020 na nasa 27.3% katumbas ng 12.7 milyon na adult Filipino ang walang trabaho.
Ito ay 12 puntos na mababa sa naitalang 39.5% joblessness o katumbas ng 23.7 milyon na adult.