Ikinababahala na ng Metro Manila Development Authortiy (MMDA) ang patuloy na pagdami ng mga sasakyan sa EDSA.
Ayon kay EDSA Traffic Head Bong Nebrija, asahang madadagdagan pa ng 15% hanggang 20% ang dami ng mga sasakyan sa EDSA.
Lagpas na aniya sa kapasidad ng edad ang mga sasakyang dumadaan dito.
Mahigit 260,000 lamang ang dapat dumadaan sa naturang pangunahing lansangan ngunit ngayon ay umaabot na ito sa mahigit 400,000.
Dagdag pa ni Nebrija, mas lalo pang dadami ang sasakyan sa EDSA pagsapit ng kapaskuhan.