Sang-ayon ang Metro Manila Council (MMC) na hindi pa dapat magtanggal ng face shield sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay MMC chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, batay sa rekomendasyon ng mga eksperto hindi pa panahon para tanggalin ang face shield at pinapaboran ito ng mga alkalde.
Paliwanag ni Olivarez, tama lang na hindi pa mag-alis ng face shield dahil hindi pa marami ang nababakunahan ng dalawang dose.
Una rito, iminungkahi ni Manila Mayor Isko Moreno ang gobyerno na i-require na lamang ang pagsusuot ng face shield sa mga ospital at hindi na sa mga pampublikong lugar.