Patuloy na gumuguho ang ilang bahagi ng rice terraces sa Banaue, Ifugao.
Ito ang ikinababahala ng mga residente ng naturang lugar at isa sa itinuturong dahilan ay wala nang masyadong nagtatanim.
Ayon sa Chairperson ng Rice Terraces Farmers Corporation na si Sam Cabigat, unti-unti ng nasisira ang rice terraces dahil kakaunti na ang mga magsasakang nagtatrabaho.
Bunsod nito, planong buhayin ng grupo ng magsasaka sa Banaue ang isang klase ng bigas na tanging makukuha lamang sa kanilang lugar.
Inaasahan na kapag tumaas ang demand nito ay mahihikayat muli ang maraming magsasaka na magtanim uli upang maibalik ang pangangalaga sa rice terraces ng Banaue.
—-