Tiniyak ng Philippine Airlines o PAL na hindi maaapektuhan ang kanilang operasyon sa gitna ng financial restructuring plan sa ilalim ng US bankruptcy code.
Ito’y makaraang maapektuhan ang flag-carrier ng kaliwa’t kanang travel ban at restriction dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Pal President at COO Gilbert Santa Maria, layunin ng hakbang na lumikha ng permanenteng solusyon upang matiyak ang pagpapatuloy ang operasyon ng naturang airline sa hinaharap.
Hindi naman anya nangangahulugang magsasara ang PAL sa halip ay magbabawas ito ng 25% ng workforce at mga eroplano upang mabayaran ang kanilang creditors partikular ang mga nasa US.
Makatutulong ang pagfa-file ng bankruptcy ng PAL sa ilalim ng chapter 11 ng US bankruptcy code na makakalap ang ng $150 milyon upang makabayad ng utang. —sa panulat ni Drew Nacino