Hindi ikinababahala ng Duterte administration ang patuloy na paghina ng piso kontra dolyar kung saan malapit na ito sa 11-year low record.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno nakikinabang ang mahigit kalahati ng mga Pilipino kapag bumababa ang halaga ng piso kontra sa dolyar dahil sa dollar remittances.
Sinabi pa ni Diokno na pabor din sa export sector ang paghina ng piso dahil nakakalikha ng dagdag na trabaho kaya’t hindi dapat mabahala sa P48 hanggang P52 na katumbas ng isang dolyar na pasok pa rin sa kanilang target.
Hindi rin aniya masyadong naka-depende ang Pilipinas sa foreign loan dahil sa pagpasok ng BPO income at Overseas Filipino Remittances.
By Judith Larino
Patuloy na paghina ng piso kontra dolyar di dapat ikaalarma was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882