Posibleng pumalo sa humigit kumulang isandaan at anim (106) na milyon ang populasyon ng Pilipinas sa taong 2017.
Ito’y ayon sa pag-aaral ng Population Commission o POPCOM batay na rin sa tala ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Ayon kay POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III, nakasaad sa tala ng PSA na mas tumaas bilang ng mga ipinapanganak bunsod nang pigilan ng Korte Suprema ang ilang probisyon ng Reproductive Health o RH Law.
Ibinabala pa ni Perez na patuloy pang lolobo ang populasyon hangga’t hindi naisasapinal ang pagpapatupad ng RH Law.
By Jaymark Dagala