Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga police commander sa Northern at Central parts ng Luzon na ipagpatuloy ang anti-criminality drive sa kabila ng malakas na lindol na tumama sa lugar.
Ayon kay PNP Lieutenant General Vicente Danao Jr. Kailangan itong gawin para matiyak ang seguridad ng mga naapektuhan ng lindol.
Inihalimbawa naman niya ang nangyaring anti-illegal drugs operation sa Pampanga, isang araw matapos ang paglindol kung saan nakumpiska ang mahigit 400 milyong piso ng shabu.
Giit pa ni Danao na ang patuloy na operasyon ng mga pulis ay nagpapakita ng layunin nito na maipatupad ang peace and order sa Luzon matapos ang magnitude 7 na lindol noong July 27.