Tiniyak naman ng Department Of Health na hindi tumitigil ang pagsasaayos sa kanilang data-collating server na CovidKaya.
Ito’y kahit halos dalawang linggo na ang isyu sa naturang data system na ginagamit upang mangalap ng datos sa mga nagpopositibo sa COVID-19, nasasawi at gumagaling.
Setyembre 24 nang magsimula ang backlog kung saan walang inilabas na bilang ng mga nasawi ang d.o.h. sa kanilang bulletin at inamin na dahil ito sa ilang isyu sa nasabing sistema.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipag-ugnayan naman na sila sa Department of Information and Communications Technology upang ayusin ang technical issue.
Ilan sa kanilang solusyon ay ang pansamantalang pagtigil sa CovidKaya.na nagsimula noong Oktubre 9 at nagtapos kahaponng umaga.
Nagkasundo rin anya ang mga eksperto sa DOH na magdagdag ng server at backup system upang maiwasang maulit ang technical issue sa hinaharap.—sa panulat ni Drew Nacino