Maraming nakikitang iba’t ibang kadahilanan ang OCTA Research kaya patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, isa sa mga dahilan ay ang pagpasok ng Omicron subvariant na BA.4 at BA.5 mula sa South Africa gayundin ang BA.2.12.1 na galing naman sa Amerika.
Maliban dito, ani David, ang pagiging kampante ng publiko sa gitna ng ipinatutupad na mas maluwag na restriksyon sa bansa.
Isa pa sa rason sa nakikitang pagtaas, ay ang paghina aniya ng mga natatanggap na bakuna bunsod ng paglipas ng bisa ng mga ito.
Muli namang nagpaalala si David sa publiko na magdoble ingat at huwag magpakampante gayung maraming maaaring pagmulan ang virus.