Nagpaalala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga guro at estudyante na patuloy na sundin ang minimum health standards sa gitna ng muling pagbubukas ng klase para sa school year 2022-2023 ngayong araw.
Ayon sa pangulo, ito ay dahil may banta pa rin ng COVID-19 sa bansa at importante aniya na masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Kaugnay nito, winelcome din ni Marcos Jr. ang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral para sa face-to-face classes matapos ang dalawang taong online learning.
Samantala, binigyang-diin ni Marcos Jr. na wala siyang pagdududa sa pamumuno ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa Department of Education (DEPED) na kung saan tiniyak nito ang makakatanggap ng de-kalidad na edukasyon ang mahigit 28.21 million na mag-aaral na nag-enroll sa K-12 program.