Kailangang paigtingin pa ng publiko ang pagsunod nito sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at pagpapanatili ng physical distance upang maka-iwas sa pagkakaroon ng COVID-19.
Ito ang binigyang diin ni Philippine College of Emergency Medicine President Dr. Pauline Convocar kasunod na rin ng naka-aalarmang pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 na naitatala ng Department Of Health o DOH.
Ayon kay Dr. Convocar, malaki aniya ang posibilidad ng pagtaas na ito ng mga bagong kaso ay ang mga new variant ng COVID-19 na nasa bansa, pagluluwag sa mga quarantine restrictions gayundin ang pagiging kampante ng publiko.
Nabatid na sa nakalipas na dalawang araw, nakapagtala ang DOH ng mahigit 3k bagong kaso ng virus kaya’t pinangangambahang umakyat na sa 600k ang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa bansa sa mga susunod na araw.