Kailangan na ring maging bahagi ng buhay ng mga Pilipino ang pagsusuot ng face mask sa matatao at enclosed na lugar ngayong dapat na ring mamuhay kasama ang COVID-19.
Ito ang inihayag ni Senator Imee Marcos sa harap ng panawagan na huwag ng gawing mandatory ang pagsusuot ng face mask.
Ayon kay Marcos, natuto na ang maraming bansa noong panahon ng SARS at iba pang nakakahawang sakit na mahalaga ang pagsusuot ng facemask.
Isa anya itong maliit na sakripisyo para sa kapakanan at kaligtasan ng buong pamilya.
Samantala, tumanggi munang mag-komento ang senador sa posibleng pagsasailalim muli sa Metro Manila sa Alert level 2 dulot ng tumataas na kaso ng COVID-19.
Aminado ang mambabatas na wala siyang datos kaya’t mahirap magbigay ng opinyon. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)