Hindi pa nakakaalarma sa ngayon ang naitatalang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ngunit kailangan pa rin aniya ng ibayong pag-iingat dahil mayroon pa ring mga maaapektuhan ng nasabing sakit.
Umaasa naman si David na maaabot na ng Metro Manila ang peak ng mga kaso ng COVID-19.
Kahapon ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 2,560 cases dahilan upang umakyat sa 19,873 ang mga aktibong kaso ng sakit sa bansa.
Nananatili ang Metro Manila sa mga rehiyong may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 9,713.
Binigyang-diin naman ni David na malaki ang maitutulong ng bakuna at booster laban sa nakakahawang sakit at dapat aniyang samantalahin ng publiko ang pagpapabakuna habang libre pa ito.