Asahan na ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga susunod na araw at linggo.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) matapos maitala ang record-high na COVID-19 case na mahigit 18,000.
Ayon kay DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire, posibleng maramdaman ang epekto ng ipinatupad na dalawang linggong ECQ sa Metro Manila sa susunod pang dalawa hanggang tatlong linggo.
Kaugnay nito, hinimok ni Vergeire ang mga lokal na pamahalaan para sa agarang pagtukoy ng mga bagong kaso at ma-isolate agad ang mga ito para mapigil ang posibleng community transmission.
Maigi rin umano na agad isailalim sa test ang lahat ng asymptomatic at close contacts ng nagpositibo sa COVID-19.