Nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa na nagreresulta ngayon sa pagtamlay ng economic activities sa mga lalawigan.
Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos na muling itaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang interest rates sa ikalawang pagkakataon, simula setyembre ng nagdaang taon para labanan umano ang epekto ng inflation.
Aminado ang punong ehekutibo na problema ng kanyang administrasyon ang sitwasyon sa mga probinsya dahil sa progreso ng mga proyektong pang-imprastraktura.
Ayon kay Pangulong Duterte, sinisira ng patuloy na pagtaas ng interest rates ang kasalukuyang economic gains dahil sa pinapababa nito ang halaga ng piso.
Samantala, wala namang nakikitang ano mang problema si Pangulong Duterte sa mga mega-projects sa Metro Manila dahil maayos aniya itong nasimulan at umaasa siyang matatapos ito sa itinakdang araw.
—-