Nagpapasaklolo na ang mga grupo at kooperatiba ng mga magsasaka sa harap nang patuloy na pagtaas ng presyo ng fertilizer.
Ang mga nasabing concerns, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri dapat aksyunan ng Department of Agriculture.
Sinabi ni Zubiri na mababa na ang benta ng produkto ng mga magsasaka, mahal ang fertilizer at halos wala pang suporta na natatanggap sa gobyerno bukod sa hindi pa rin aniya nakaka-recover ang mga magsasaka mula sa malaking lugi dahil sa pandemya.
Makakaapekto ito aniya sa pagiging self sufficient ng produksyon ng agricultural products na sa bandang huli ay posibleng sa importasyon na naman umasa ang bansa.