Inaasahang patuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo na pabigat na sa mga motorista at Public Utility Vehicle (PUV) driver sa mga susunod na Linggo.
Ito ang inihayag ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad kung saan wala silang nakikitang anumang kaganapan na maaaring makabawi sa serye ng pagtaas ng presyo.
Paliwanag ni Abad na ang oil ban ng european union sa pag-angkat ng langis mula sa russia ang potensyal na pagtaas ng demand para sa gasolina.
Ani ni Abad, ang tatlong naunang rollback ay dahil sa pagsasailalim sa lockdown sa beijing at shanghai sa China.