Nadismaya ang Trade Union of the Congress (TUCP) sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa gitna ng hakbang ng pamahalaan na taasan ang minimum wage sa lahat ng lugar sa bansa.
Ayon kay TUCP Spokesperson Allan Tanjusay na ang mga inaprubahang pagtaas ng sahod ay para maiangat ang kalagayan ng ekonomiya ng mga manggagawa.
Sa isang pahayag, sinabi ni TUCP President Raymond Mendoza na ang pagtaas ng sahod ay walang epekto sa pag-aangat sa buhay ng mga manggagawa mula sa lumalalang kahirapan dulot ng krisis sa pandemya.
Sa June 18, ang mga minimum wage earners sa Davao Region ay inaasahang makakatanggap ng P31 na dagdag sa kanilang daily take-home pay.
Habang ang P16 ay ibibigay sa January 1, 2023 at ang karagdagang P15 ay ibibigay sa mga nagtatrabaho sa mga retail at service establishment na may mas mababa sa 10.