Nanawagan sa gobyerno si Rizal 4th District Representative Fidel Nograles, na patuloy na tutukan ang Sektor ng Agrikultura at Transportasyon sa bansa.
Ayon kay Rep. Nograles, Chairman ng Committee on Labor and Employment, na ang ginagawang hakbang ng pamahalaan sa dalawang nabanggit na sektor, ay makakatulong para sa abot-kayang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado at mapababa ang singil sa pamasahe.
Sinabi ng mambabatas, na ang P40 na dagdag sa arawang sweldo ng mga manggagawa, ay hindi sapat para tugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya kung saan, patuloy na tumataas ang mga bilihin.
Naniniwala ang kongresista, na patuloy sa pagsusumikap ang gobyerno, para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino partikular na ng manggagawa.