Nag – protesta ang mga kaanak ng apatnapu’t apat (44) na nawawalang crew ng Argentinian submarine na ARA San Juan.
Hiling ng mga ito, ituloy ang search and rescue operations sa katimugang bahagi ng Atlantic Ocean.
Ayon sa mga ito, ipinatigil ng pamahalaan ng Argentina ang paghahanap sa nawawalang submarine nang hindi sila kinokonsulta.
Dahil dito, nais makausap ng mga kaanak ng apatnapu’t apat na nawawalang crew si President Mauricio Macri.
Matatandaang sumuko na sa paghahanap ang Argentinian Navy dahil sa kawalan na ng pag – asang makakita pa na buhay pa ang mga ito.