Muling ipinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na suporta ng kanyang administrasyon sa capability development ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa kanyang mensahe sa 77th founding anniversary ng Philippine Air Force (PAF) sa Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga, ibinahagi ni Pangulong Marcos ang mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan para sa AFP; katulad ng pagkuha ng karagdagang air assets, pagpapahusay sa cyber warfare communication systems, at pagsusulong sa base development programs.
Dagdag pa ng pangulo, nakakuha rin ang pamahalaan ng mga karagdagang sasakyang panghimpapawid at advanced radar systems.
Bilang Commander-in-Chief ng AFP, tiniyak ni Pangulong Marcos na patuloy na gagawing prayoridad ng administrasyon ang kapakanan ng mga tauhan nito.