Pabor si ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran na ipagpatuloy ang work from home arrangement ng mga empleyado ng Business Process Outsourcing (BPO) sa special economic zones.
Giit ng kongresista, mas praktikal ang naturang set-up sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Aniya, dapat na pag-aralan muli ng Department of Finance, Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at Fiscal Incentives Review Board ang pagmamandato sa mga manggagawa sa BPO na pisikal na magbalik opisina sa unang araw ng Abril.
Nakasaad sa Republic Act 7916 o mas kilala bilang Special Economic Zone Act of 1995 na inaatasan ang lahat ng mga rehistradong kumpanya gaya ng bpo na magsagawa ng operasyon sa loob ng ecozones para magkaroon ng insentibo sa buwis.
Sinabi ni Taduran na dapat pa ring makuha ng mga empleyado ang mga insentibo hangga’t ang punong tanggapan nito ay nasa loob pa rin PEZA at doon nagsasagawa ng operasyon. —ulat mula kay Tina Nolasco (Patrol 11)