Ipinagharap ng patumpatong na reklamo sa korte ng Panay Electric Company (PECO) ang More Electric and Power Corporation (MORE Power).
Ito’y dahil sa tila pagbibingi-binghan ng MORE Power sa hinaing ng mga sineserbisyuhan nito na una nang isiniwalat ng PECO sa publiko.
Kabilang sa mga isinampang reklamo ng PECO laban sa MORE Power ay Monopoly at Competence na kumukuwesyon sa kakayahan ng MORE na makapagbigay ng dekalidad na serbisyo at kuryente.
Partikular na umano rito ang nakitaang overcharging ng MORE ng halos P7.7 million noong buwan ng Hulyo hanggang Agosto na billing cycle.
Binigyang diin pa ng PECO na mula nang magtake over ito sa Ilo-ilo City Grid ay araw-araw na kalbaryo ng mga taga rito ang Labing Tatlong Oras na power supply interruption at ang walang patid na over billing sa mga konsyumer.
Maliban dito, sinampahan din ng kasong Libelo ng PECO ang Executive Director ng Iloilo Economic Development Foundation Inc. (ILEDF) na si Francis Gentoral dahil sa patuloy nitong pag-atake laban sa MORE Power.
Ayon kay PECO Legal Counsel Atty. Estrella Elamparo, kaduda-duda na ang ginagawang pag-atake ng grupo ni Gentoral na tila pagmamando nito sa kung sino ang mga dapat mamuhunan at magbigay ng crucial services para sa lungsod.
We are fighting for our rights and to stop ILEDF from tarnishing the reputation of PECO. We are also fighting for the welfare of the people of Iloilo. We are asking the courts and the PCC to investigate MORE Power and thus stop the suffering of the Ilonggos and bring justice to PECO,” ani Elamparo.
Kuwesyunable rin ayon kay Elamparo na dahil sa mga naging pahayag ng ILEDF dahil kabilang sa mga board members nito ay ang CEO ng MORE na si Roel Castro.
The very least that IELDF could have done was to disclose their history with Castro before issuing those statements. Ideally, however, decorum and business ethics require that they should just have remained impartial throughout and refrained from making those statements supporting MORE Power,” ani Elamparo.