Dumepensa si House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Joel Chua sa patutsada ni dating pangulong Rodrigo Duterte na hindi na “in aid of legislation” ang mga pagdinig ng kamara partikular na sa war drugs ng kanyang administrasyon at confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Nanindigan si Congressman Chua na “in aid of legislation” pa rin ang mga ginagawang pagdinig sa mababang kapulungan dahil marami pang mga batas sa bansa na kailangang ayusin.
Hindi rin anya pulitika ang dahilan sa mga ikinasang pagdinig kaugnay ng sinasabing iregularidad sa paggastos sa pondo ng Office of the Vice President at Department of Education na pinamunuan noon ng anak ng dating pangulo na si VP Sara.