Wala umanong legal na pananagutan si Vice President Leni Robredo sa pagsasabing maaaring tanggapin ng mga botante ang perang galing sa pulitiko ngunit bumoto pa rin ng naaayon sa konsensya.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, bagama’t isang malinaw na election offense ang binitiwang salita ng Bise Presidente, hindi ito nangangahulugang may criminal liability na siya.
Giit ni Jimenez, hindi lang niya pinaboran ang sinabi ni Robredo at hindi ito dapat sinasabi sa publiko, ngunit sa ngayon ay wala naman siyang nakikitang dapat na maging pananagutan ng Bise Presidente.