Painit na ng painit ang patutsadahan ng administrasyon at oposisyon habang papalapit na ang 2016 elections.
Patunay nito ang panibagong banat ng kampo ni Vice President sa administrasyong Aquino nang humarap ang isa sa kanyang kaalyado para sa 70th anniversary ng Philippine Government Employees Association.
Ayon kay Atty. Harry Roque, isa sa mga kaalyado ni Binay, tila hindi sulit ang naging paghihirap ng mga mamamayan sa nakalipas na limang taong panunungkulan ni Pangulong Benigno Aquino III.
Partikular anya sa mga problemang hindi pa rin masolusyonan ng kasalukuyang administrasyon ang matinding traffic lalo sa Metro Manila dahilan upang hindi makarating sa tamang oras ng trabaho ang maraming empleyado ng pamahalaan.
Hindi nakarating sa nabanggit na aktibidad ang Pangalawang Pangulo dahil nasa Negros Oriental ito kaya’t si Roque na lamang ang kanyang pinadalo.
By Drew Nacino | Allan Francisco