Lalong umiinit ang patutsadahan nila pangulong Rodrigo Duterte at CPP-NPA-NDF founding chairman Jose Maria SISON
Ito’y makaraang tawagin ng Pangulo na arogante at mayabang si Sison bunsod ng kaliwa’t kanang pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army sa mga tropang military
Buwelta naman ni Sison, mas arogante si Duterte dahil hindi na nito hinintay pa na tapatan nila ang idineklara nitong unilateral ceasefire na kalauna’y binawi rin
Kasunod nito, binatikos naman ng bagong alyansang makabayan o Bayan ang naging tugon ng Pangulong Duterte sa napipintong peace talks
Ayon kay Bayan secretary general Renato Reyes, hindi nasusukat sa pagpapatupad ng tigil putukan ang pagiging sinsero at seryoso sa usapang pangkapayapaan
By: Jaymark Dagala