Walang basehan ang patutsada kay Senador Grace Poe sa kauna-unahang presidential debate sa Cagayan de Oro City kahapon.
Sinasabing magmumukhang OJT si Poe kapag ito ang nanalong bagong pangulo ng bansa dahil kulang pa sa karanasan.
Ayon kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, Spokesman ni Poe, malinaw sa debate na batid at nauunawaan ng senadora ang mga pangunahing problema ng bansa at mayruon itong nakikitang solusyon sa mga suliraning ito na suportado ng datos at figures.
Marami aniyang idea at pananaw si Poe sa napakatagal nang mga problema ng bansa.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)