Aminado si human rights lawyer at educator, Atty. Chel Diokno na hindi niya alam kung may pupuntahan ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa war on drugs ng Duterte administration.
Ayon kay Atty. Diokno, higit sa usapin ng delikadeza matapos ang pagmumura at panduduro ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa mga senador, isyu rin ito ng conflict of interest.
Gayunpaman, buo pa rin ang pagasa ni Atty. Diokno na makakamit ng mga biktima ang hustisya kasabay ng panawagan ng pagtutok ng publiko sa pagdinig dahil hindi aniya maiaalis na may halo itong pulitika. - sa panulat ni Laica Cuevas