Pinayuko ng Indiana Pacers ang Philadelphia 76ers sa kanilang paghaharap kanina sa iskor na 91-75.
Nanguna sa panalo ng Pacers si Paul George na kumana ng 15 puntos.
Dahil sa panalo, naputol ang dalawang sunod na pagkatalo ng Pacers.
Kasalukuyang nasa ika-pitong puwesto ang Pacers sa Eastern Conference standings at kinakailangang maging consistent sa mga susunod na 12 nilang laro upang tuluyang makaangat sa kanilang ranking.
By Ralph Obina
Photo Credit: Brian Spurlock / USA TODAY Sports