Masayang-masaya ang soon to be bride na si Pauleen Luna dahil kinoronahan ang kanyang bestfriend na si Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015.
Ayon kay Pauleen, ok lang sa kanya kung hindi sisipot si Pia sa kanyang kasal dahil naiintindihan naman niya na magiging busy na ito.
Si Pia ay isa sana sa mga bridesmaid ni Pauleen sa kanilang upcoming wedding ni Bossing Vic Sotto sa susunod na taon.
Pabiro pang sabi ni Pauleen bago i-anunsyo ang winner, kahit na hindi na umuwi sa Pilipinas ang kanyang kaibigan ay ayos lang basta manalo lamang.
By Rianne Briones